Kinumpirma ni Atty. Levi Baligod na nakapagpiyansa na ang 10 ex-soldiers na inaresto at dinala sa Las Piñas Police Station ngayong Sabado, Agosto 8.
Ayon kay Baligod, matagumpay nang naproseso ang piyansa ng 10 akusado ngayong araw sa Las Piñas RTC Branch 202, matapos nilang hindi ito nakumpleto bago ang 3:00 p.m. bank cutoff nitong Biyernes, Agosto 7.
Tatlo lamang sa 13 akusado; sina Rommel Bobares, Johnny Buduan, at Rodante Orbillio, ang nakapagproseso ng piyansa bago nagsara ang bangko. Dahil dito, inaresto at dinala sa Las Piñas Police Station ang natitirang sampung ex-soldiers.
Inirekomenda na ₱18,000 ang piyansa para sa bawat isa sa apat na counts na kinakaharap ng mga akusado.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang recall of warrant at release order bago tuluyang makalaya ang 10 ex-soldiers. | via Earlo Bringas


