Nadiskubre ng mga awtoridad na pinatay muna ng Grade 8 student na suspek sa pamamaril sa Debsirin Nonthaburi School sa Thailand ang kaniyang lolo at lola sa kanilang tahanan bago ito tumungo sa paaralan upang gawin ang krimen.
Nasawi ang tatlong guro at tatlong estudyante sa insidente, habang 15 iba pa ang sugatan, na dalawa sa kanila ay nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaril.
📷: NBC News

