Nagising ang mga bakasyunista sa Gatlinburg, Tennessee sa isang hindi pangkaraniwang eksena matapos pasukin ng isang oso at ng kaniyang anak ang isang nakaparadang sasakyan sa paghahanap ng pagkain.
Makikita sa video na hinila pa ng inang oso ang sunroof ng sasakyan hanggang sa matanggal ito, habang paulit-ulit namang pumapasok at lumalabas ang anak nitong oso sa loob ng kotse.
📹: ABC News


