Natukoy ng mga awtoridad na isang Grade 8 student ang suspek sa insidente ng pamamaril sa Debsirin Nonthaburi School sa Nonthaburi, Thailand, ngayong Biyernes, Agosto 7.
Natagpuan sa backpack ng suspek ang dose-dosenang bala bago ito nasawi.
Nasawi sa insidente ang isang guro at tatlo pang iba, habang ilang guro at estudyante naman ang nasugatan.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang i-secure ang paaralan, mailikas ang mga estudyante, at magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.
📹: Thai Enquiry


