Nagpatupad ang Quezon LGU ng half-day work schedule ngayong araw kasunod ng magnitude 5.4 na lindol na tumama sa Mamburao, Occidental Mindoro nitong umaga ng Biyernes, Agosto 7.
Hanggang 12:00 ng tanghali lamang ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, maliban sa mga opisinang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng health, disaster preparedness and response, at iba pang frontline services.
📸: Quezon Provincial Government



