Pansamantalang magpapahinga ang KATSEYE vocalist na si Sophia Laforteza dahil sa mental health concerns.
Ayon sa HYBE x Geffen Records, hindi muna makikilahok si Laforteza sa upcoming promotional activities ng grupo habang sumasailalim ito sa extended rest at ongoing care. Ang kaniyang kondisyon ay muling susuriin sa Setyembre.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Laforteza na hindi naging madali ang desisyon para sa kaniya, ngunit naunawaan niyang kailangang unahin ang kaniyang kalusugan.
Samantala, magpapatuloy ang KATSEYE sa kanilang promotional events kasama ang apat na miyembro. Ito ang ikalawang pagkakataon na may miyembrong pansamantalang nagpahinga sa grupo matapos mag-hiatus ni Manon Bannerman noong Pebrero para tutukan ang kaniyang health and wellbeing.


