Hindi na obligado na magpakita ng vaccine cards ang mga inimbitahan ng House of Representatives para dumalo sa 2nd State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bahagi ito ng pinaluwag na health protocol ng House security measures at bilang pagsunod sa pagbawi ni Marcos sa national state of public health emergency na ipinatupad noong 2022 dahil sa COVID 19 pandemic.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ang official invitation na lang ang ipapakita ng mga bisita at hindi na kailangan ang vaccination card.
Inilahad ni Velasco na hanggang ngayong umaga ay may ilan pang mga bisita ang humabol at pinadalhan nila ng imbitasyon.
Sa kasalukuyan, mahigit na sa 2,000 ang inaasahang indibidwal na dadalo sa SONA.




