Mariing kinondena ng United Arab Emirates (UAE) ang naganap na school shooting sa South Cotabato kahapon, Biyernes, Setyembre 18.
Sa pahayag ng UAE Ministry of Foreign Affairs (MoFA), muling iginiit ng bansa ang pagtutol nito sa mga kriminal na gawain at sa lahat ng uri ng di pangkaraniwang karahasan na naglalayong pinsalain ang seguridad.
Nagpaabot din ang UAE ng pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
📹 via Earlo Bringas
📸 UAE - MOFA

