Ipagpapaliban muna ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang kaniyang nakatakdang pagpunta sa France kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato kahapon, Biyernes, Setyembre 18.
Ayon kay Remulla, posibleng maantala nang dalawa hanggang tatlong linggo ang kaniyang biyahe habang tinututukan ang insidente at inaasikaso ang mga kinakailangang dokumento para sa koordinasyon sa Interpol.
Nakatakda sanang magtungo si Remulla sa France kaugnay ng usapin sa asylum application ng dating mambabatas na si Rep. Zaldy Co.
Sa ngayon, sinabi ng kalihim na kailangan muna niyang tutukan ang sitwasyon sa bansa bago ituloy ang nakatakdang biyahe.
📹 via Earlo Bringas

