Nagbabala ang Office of the Vice President (OVP) sa publiko na mag-ingat sa mga nagpapanggap bilang kinatawan o opisyal ng tanggapan ng Bise Presidente sa pamamagitan ng social media at messaging apps.
Kabilang dito ang isang indibidwal na umano’y ginamit ang pangalan ni OVP Chief of Staff Zuleika T. Lopez upang makipag-ugnayan sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa pakikipag-usap at pagbibigay ng impormasyon sa mga kahina-hinalang account.
Ayon sa OVP, lahat ng opisyal na pahayag at transaksyon ay ipinadadaan lamang sa mga opisyal na channel ng tanggapan.
📷 Office of the Vice President/Facebook

