Balak i-upgrade at palawakin ng DPWH ang ilang drainage system sa Metro Manila para mapabilis ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang pagbaha sa mga low-lying at flood-prone areas.
Kabilang dito ang 1.3-kilometer drainage system sa Sumulong Highway sa Marikina City, kung saan gagamit ng dalawang 2-meter HDPE pipes upang palakihin ang kapasidad ng drainage at magsilbing detention basin.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagpapump ng tubig sa mga pumping station ng DPWH para mapabilis ang paghupa ng baha sa mga kalsada matapos ang malakas na pag-ulan.
📹 via Jim Tejano
📷 DPWH

