Sinabi ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na pinaiksi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging talumpati nito sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), mamayang alas-4 ng hapon.
Sa panayam ng media sa kongresista, mas mahaba ang unang ginawa ng Pangulo.
“This is year will be around 1 hour and 25 minutes,” ani Rep. Marcos.
“ As a general rule, ang lagi niyang sinasabi if it goes over one hour and thirty, one hour 45, wala nang makikinig sa’yo dahil it’s too long,” dagdag pa nito.
Nang tanungin kung tumulong ang First Lady, hindi umano ito nakikialam sa mga ganitong bagay.
Tinularan ni Rep. Sandro Marcos ang naunang pahayag ng kaniyang ama, na magiging maiksi lang ang SONA at kailangang ipaalam sa publiko ang tungkol sa mga nagawa ng kaniyang administrasyon at ang mga plano pa sa bansa.
“Wellm it’s no different than the first year. He wrote the speech and asked for some people to look it over. It’s always nice to have a fresh set of eyes after writing and writing it again, so I think, to begin with, it was too long, and he was able to shave it down.”
Binanggit din ng batang Marcos na halos dalawang linggo ginawa ng kaniyang ama ang speech nito para sa SONA.
Binigyang-diin din nito na ayaw niya unahan o pre-empt ang Pangulo sa magiging talumpati nito.
“As always, every time someone asks me, I don’t want to be the one to pre-empt the President. But it will essentially be like what he said, a report to the people of what he has done in the last year and what problems we continue to face and what needs to be done.”




