Humiling ng panibagong extension si Senador Loren Legarda sa kaniyang medical leave mula Agosto 17 hanggang 19, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Naka-leave pa rin si Legarda habang isinasagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation sa kanya, sa kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste, at kay dating Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng mga alegasyon ng plunder at graft sa umano’y maanomalyang solar projects.
Matatandaang inakusahan ng Ombudsman ang senadora na ginamit umano nito ang kaniyang posisyon upang makakuha ng exclusive solar power franchises para kay Leviste.
📸: Senate

