Nauunawaan umano ni PCO Usec. Claire Castro kung bakit may hindi nasiyahan sa timing ng naging post ni First Lady Lisa Marcos kahapon, Agosto 17, kaugnay ng kaniyang "birthday sabbatical" post sa kasagsagan ng hagupit ng malakas na pag-ulan dala ng hanging habagat.
Ayon kay Castro, karapatan umano ng bawat isa na magkaroon ng isang opinyon at ito ay pinahahalagahan at pinakikinggan ni FL Marcos. | via Madelyn Villar-Moratillo

