Sinibak sa puwesto ng Bureau of Customs (BOC) ang ama ng Grade 9 student na umano'y sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School ngayong Martes, Agosto 18.
Kinumpirma ng BOC na district commander ng Port of Zamboanga Enforcement and Security Services ang ama ng Child in Conflict with the Law (CICL).
Ayon sa ahensiya, wala umanong direktang kinalaman ang ama sa insidente, ngunit kinakailangan siyang i-relieve upang magkaroon ng patas na imbestigasyon kung nagkaroon ng kapabayaan sa pag-iingat at paghawak ng kaniyang baril.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ginamit umano ng Grade 9 student ang isang pistol at rifle sa insidente na ikinasawi ng isang Grade 10 student.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at sa proseso ng pag-iisyu at pag-iingat ng mga baril ng mga tauhan ng BOC.

