Kinumpirma ng Ateneo de Zamboanga University na dalawa ang nasawi sa insidenteng naganap ngayong Martes, Agosto 18, sa kanilang Junior High School (JHS) campus.
Ayon sa pamantasan, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad para sa kumpletong ulat hinggil sa insidente.
Nakipag-ugnayan na rin ang unibersidad sa mga magulang at guardian upang masundo ang kanilang mga anak, habang tiniyak ang kaligtasan ng mga nananatili sa campus.
Hinimok ng paaralan ang publiko na huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, larawan o video na maaaring makaapekto sa mga sangkot at sa isinasagawang imbestigasyon.
📸: Ateneo de Zamboanga University


