Binaha ang ilang bahagi ng Iloilo City matapos ang tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan nitong gabi ng Lunes, Agosto 17.
Maraming barangay ang dumaing sa naging mabilis na pagtaas ng tubig-baha. Ayon sa ilang residente, isa sa mga problema sa kanilang lugar ang hindi maayos na daluyan ng tubig.
May flood control project at drainage pipe umano sa kanila, ngunit hindi naging sapat ang mga ito upang maiwasan ang pagbaha. Nagsagawa naman ng pumping operation ang ilang barangay upang mapababa ang tubig.
Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang mga lugar na apektado ng pagbaha. | via Laurence Jundio
📽️: Ariana Demaala


