Nasa 201.7 millimeters ang ulan na naitala sa Metro Manila sa loob lamang ng limang oras nitong Lunes, Agosto 17, ayon sa MMDA, batay sa datos ng Science Garden Station ng PAGASA sa Quezon City na halos lumapit sa naitala ng Bagyong Ondoy noong 2009.
Mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, naitala ang naturang dami ng ulan na 201.7 mm, habang 138 mm naman ang bumuhos sa loob lamang ng dalawang oras mula 12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon.
Dahil dito, tumaas ang tubig at nagkaroon ng pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Quezon City at Maynila.


