HINDI PO AKO NAKAUPO LANG NA PARANG DEKORASYON.
Matapang na sinagot ni Sen. Imee Marcos ang naging pahayag ni Senate President Sherwin Gatchalian matapos nitong sabihin na “she might as well get involved” kaugnay ng puna ng senadora na dalawa lamang sa 53 priority bills ng pamahalaan ang naipasa.
Ayon kay Sen. Marcos, 40 sa mga panukalang batas na kaniyang inihain ang binanggit mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang nakaraang State of the Nation Address (SONA).



