PAMAMARIL SA HOTEL, 1 PATAY, 1 SUGATAN.
Nasawi ang isang 63-anyos na babae habang sugatan ang kaniyang 25-anyos na kasama matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa entrada ng isang hotel nitong Lunes ng gabi, Agosto 3.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naghihintay ang dalawang biktima sa labas ng hotel nang lapitan sila ng suspek na nakasuot ng ball cap at pinaputukan ng tatlong beses. Dead on the spot ang senior citizen, habang isinugod naman sa ospital ang isa pang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa mukha.
Patuloy ang imbestigasyon at manhunt operation ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa pamamaril. | via Jim Tejano



