YELLOW ALERT SA VISAYAS GRID.
Muling isasailalim sa yellow alert ang Visayas Grid mamayang 5 p.m. hanggang 9 p.m. dahil sa limitadong operasyon ng apat na coal plants sa rehiyon at ang emergency shutdown ng TPC coal noong Agosto 2.
Ayon sa NGCP, nasa 2,470 megawatts (MW) na lamang ang available capacity ng mga grid sa rehiyon habang umakyat ang peak demand sa 2,329 MW.
📸: NGCP



