Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na may paliwanag ang Office of the Vice President (OVP) sa paggamit ng P125 milyong confidential funds sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Ayon kay Atty. Michael Poa, nais nilang maipaliwanag ang naturang disbursement sa pamamagitan ng cross-examination kaya hindi sila pumayag sa stipulation ng prosekusyon.
Sa pagdinig ng impeachment trial, tumestigo ang dating Commission on Audit (COA) auditor na si Roderick Wamil kaugnay ng Article I, na tumatalakay sa umano'y maling paggamit ng ₱612.5 milyong confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) noong 2022 hanggang 2023.



