Itutuloy ng MANIBELA ang tatlong araw na tigil-pasada mula Agosto 10 hanggang 12 kung hindi pagbibigyan ng gobyerno ang kanilang hiling na pansamantalang dagdag-pasahe.
Ayon kay chairperson Mar Valbuena, humihingi sila ng P2 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin, lalo na sa presyo ng langis. Maaari umanong kanselahin ang tigil-pasada kung maaaprubahan ang kanilang kahilingan o ibabalik ang naunang P1 dagdag-singil sa pamasahe.
📸: PNA



