Hindi pinayagan ng Sandiganbayan ang hiling ng Office of the Ombudsman na alisin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa kasong graft upang gawin siyang state witness kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects sa bansa.
Ayon sa korte, maaaring maapektuhan ang depensa ni Senador Jinggoy Estrada kung aalisin si Bonoan sa kaso.
Matatandaang nag-ugat ang kaso ni Bonoan sa umano’y sabwatan nila ni Estrada para maisama ang ilang flood control projects sa Bulacan sa 2025 national budget, kung saan sinasabing nakatanggap umano ang senador ng P213.7 milyong kickback.

