Halos wala nang basura sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque City matapos ang isinagawang paglilinis ng mga awtoridad.
Mula Agosto 10 hanggang 13, tinatayang 203 truck o katumbas ng 2,246.6 cubic meters o 748.87 metric tons ng basura at debris ang nahakot, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nagsagawa rin ang mga awtoridad ng mano-manong paglilinis at gumamit ng trash skimmer para sa mabilis na pag-alis ng mga basura sa katubigan.
📷: MMDA



