Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Navy (PN) sa pagkamatay ng isang officer candidate na nasawi matapos ang 5-kilometer run sa Naval Station Leovigildo Gantioqui noong Hulyo 21.
Ayon sa Philippine Navy, nakaranas ang officer candidate ng matinding pagkahilo at panginginig bago bumagsak at isinugod sa ospital, kung saan siya binawian ng buhay kinabukasan.
Batay sa paunang medical findings, ang sanhi ng pagkamatay ay matinding impeksyon na nakaapekto sa kaniyang central nervous system at respiratory system.
Nilinaw ng Philippine Navy na wala pang indikasyon ng foul play habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
📷: Philippine Navy


