Kabilang ang ACT Teachers Party-list sa mga nagsagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue, Quezon City kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.

Kasama ang iba pang organisasyon, nanawagan ang grupo para sa pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng edukasyon, dagdag na pondo para sa pampublikong edukasyon, at pagresolba sa kakulangan ng mga silid-aralan, guro, at kagamitan sa mga paaralan.
Ayon sa grupo, mahalagang tugunan ng pamahalaan ang lumalalang suliranin sa sektor ng edukasyon upang matiyak ang de-kalidad na serbisyo para sa mga guro at mag-aaral.
| via Frank Harvey Marasigan


