Inaasahan ni House deputy speaker at Batangas 6th District Representative Ralph Recto na samantalahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang State of the Nation Address (SONA) upang ilatag ang tunay na sitwasyon ng bansa at battleplans ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Rector, bukod sa paglalahad ng mga achievements sa unang taon ng panunungkulan, dapat talakayin at balangkasin ng Pangulo ang hakbang para malutas ang kinakaharap na suliranin ng bansa.
Aminado si Recto na ang hinihintay at inaabangan ng sambayanang Pilipino ay kung ano ang mga hakbang ng Pangulo na pakikinabangan ng bansa lalo na sa problema sa presyo ng mga pangunahing bilihin at dagdag na trabaho.
Bilang mambabatas, tiniyak ni Recto na inaabangan niya ang marching orders sa kanila ni Marcos para sa kailangan nilang trabahuhin sa pagbubukas ng sesyon.




