Posibleng hindi umabot ng isang oras o maaaring isang oras lang ang aabutin ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon.
Ayon kay House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez, batay sa nakuha niyang impormasyon, maaaring 45 minuto lang ang magiging speech ng Pangulo.
Aminado si Romualdez na hindi pa niya nababasa at nakikita ang konteksto ng speech ngunit inaasahan niya na ilalatag ng Pangulo ang mga napagtagumpayan sa unang taon sa pwesto.
“I have heard that might just be about one hour long, mga [about] 45 minutes. I have not seen, I don’t know what he will take about,” pahayag ni Romualdez.
Aabangan din niya ang mga bagong direktiba para sa kanilang mga mambabatas sa hanay ng Kamara.




