Umakyat na sa 34 ang bilang ng mga nasawi matapos yanigin ng 7.1-magnitude na lindol ang Kumamoto Prefecture, Japan.
Ayon sa mga awtoridad, nasira ang ilang kalsada, habang libu-libong kabahayan ang nawalan ng suplay ng tubig, kuryente, at iba pang pangunahing serbisyo dahil sa lindol.
Kabilang sa mga naapektuhan ang Toyota at supplier nitong Aisin, na pansamantalang nagsuspinde ng produksyon dahil sa pinsala at pagkaantala sa suplay ng mga piyesa.
Patuloy ang rescue at clearing operations habang mino-monitor ng mga awtoridad ang bilang ng mga kaswalidad.
📷: Reuters




