Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na pangkalahatang seguridad laban sa anumang uri ng krimen ang binabantayan ng kapulisan at hindi lang nakatutok sa mangyayaring State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang paglilinaw matapos akusahan ng mga kritiko na `overkill’ ang 23,000 unipormadong pulis na ikinalat sa Metro Manila para magbantay sa SONA.
Ayon kay Acorda, may ilang grupo na sinasamantala ang malalaking aktibidad tulad ng mga criminal group na mga sangkot sa pagnanakaw at iba pang krimen.
Tiniyak ni Acorda na nakatutok ang buong puwersa ng PNP laban sa mga grupong ito upang hindi maka pambiktima.
Nilinaw din ni Acorda na wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay ng malaking banta sa SONA ni Marcos.
Sa kasalukukyan, nakapokus ang PNP sa mga aktibidad sa paligid ng Batasan Complex at mananatili silang alerto sa iba pang mga insidente at pagkilos ng mga grupo ng kriminal upang mapigil.




