Kinumpirma ni Senator Imee Marcos na hindi makakadalo ang dating Unang Ginang na si Imelda Marcos sa ikalawang SONA ng anak at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Gustong pumunta pero pinagbabawalan pa ng doctor kasi maraming tao,” pahayag ng senador kanina sa pagbubukas ng sesyon ng Senado.
Nang tanungin kung panonoorin na lamang ito sa telebisyon ay aniya last two minutes kung ito ay magdesisyon.
Noong May ay sumailalim sa angioplasty surgery ang dating First Lady, ayon kay Sen. Imee Marcos.




