Nasa 280 kaso ng typhoid fever ang naitala sa National Center for Mental Health hanggang Hunyo 16, ayon sa Department of Health.
Sa bilang na ito, 216 na pasyente ang gumaling habang 12 naman ang patuloy na ginagamot at mino-monitor.
Ang typhoid fever ay dulot ng bacteria na Salmonella Typhi at naipapasa sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig. Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, pananakit ng tiyan, at sakit ng ulo.
Nagbabala ang DOH na maaaring maging banta sa buhay ang sakit kung hindi agad mabibigyan ng wastong lunas at agarang medikal na atensyon.

