Makatatanggap ng teaching overload pay o Vacation Service Credits (VSCs) ang mga public school teacher na magsisilbing tutors sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Ayon sa Department of Education, ituturing na remediation classes at bahagi ng teaching load ang tutorial sessions ng mga guro.
Makatatanggap din ng dagdag-bayad ang mga lalampas sa anim na oras na teaching load, habang VSCs naman ang ibibigay para sa serbisyong ibinibigay tuwing weekend, holiday, at bakasyon.
Nilinaw ng DepEd na may limitasyon na hanggang dalawang oras na overload kada araw upang maiwasan ang labis na trabaho ng mga guro.



