Binuksan ng House of Representatives ang 2nd regular session ng 19th Congress bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Nagbukas ang session kaninang alas-10 ng umaga ngayong Lunes, Hulyo 24.
Sa pagbubukas ng session, inaasahang magbibigay ng talumpati si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, babanggitin ni Romualdez ang mga nagawa noong 1st regular session at ang mga prayoridad ng Kamara para sa susunod na session.
Naka-joint session ang House at Senate para sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa 1987 Constitution, ang SONA ay isang constitutional obligation at isinasagawa isang beses sa isang taon tuwing ikaapat ng Lunes sa buwan ng Hulyo. Mandato rin nito ang Kongreso na magbukas ng regular session.
Inaatasan din ng Saligang Batas ang Pangulo na humarap sa Kongreso sa pagbubukas ng regular session.




