WALANG PASOK!
As of 12:57 pm: Suspendido ang mga klase at trabaho sa gobyerno sa ilang lugar sa bansa, bukas, Lunes, Agosto 10, dahil sa malakas na ulan na dulot ng habagat.
Narito ang listahan ng mga suspensyon para sa Agosto 10:
Marikina: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Abra: Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lahat ng trabaho sa gobyerno maliban sa mga mahahalagang serbisyo
Bulacan: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Bacoor, Cavite: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Nueva Ecija: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
San Simon, Pampanga: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Dagupan, Pangasinan: Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lahat ng trabaho sa gobyerno maliban sa mga mahahalagang serbisyo
Santo Domingo, Ilocos Sur: Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Tagudin, Ilocos Sur: Lahat ng antas, pampubliko at pribado; lahat ng trabaho sa gobyerno maliban sa mga mahahalagang serbisyo
Nag-anunsiyo rin ang University of Sto. Tomas sa Maynila na magpapatupad sila ng online class sa lahat ng antas at remote mode of work sa Lunes.




