Wala ng buhay nang maiahon ng mga operatiba ng MDRRMO at ng mga coast guard ang 34-anyos na lalaki na nagpumilit pumalaot sa ilog ng Laguna de bay para manghuli ng isda nitong nakaraang Biyernes, August 7.
Ayon sa mga sa nakasaksi ay may nakita sila bangkay na lumulutang sa gilid ng bangka sa Brgy. Darangan, Binangonan sa Rizal kaninang alas-otso ng umaga. | via Frisco Marquez




