Update as of 8:50 am: Umabot na sa 79.73 metro ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, lampas sa kritikal na antas na 79.50 metro at malapit na sa spilling level na 80.15 metro.
Ayon sa PIA Metro Manila, maaaring maapektuhan ng sobrang tubig ang mga mabababang lugar sa kahabaan ng Tullahan River sa Quezon City, Valenzuela, at Malabon.
Pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa ilog na manatiling alerto at maghanda sa posibleng patuloy na pagtaas ng tubig.
📷: PIA Metro Manila



