Busog sa katatawanan at kuwento ang episode ng Kada Umaga kung saan bumisita ang sikat na mag-BFF na content creator na sina Euleen ‘Yobab’ Castro at Kevin Montillano.
Kuwento ni Euleen, nag-umpisa ang paggawa ng content nang umabot sa 16.8 million views at 1.3 million likes ang Tiktok video niya kung saan binibiro niya ang kaniyang batang pamangkin.
Pumatok din sa netizens ang video niya ng food reviews.
Kagaya ni Yobab, patok din sa publiko ang mga content videos ni Kevin. Kwento niya, gustong-gusto niya ang mga videos ni Yobab. Kaya sa di inaasahang pagkakataon at lugar ay nagkasalubong ang dalawang content creator. At dito na nabuo ang kanilang magandang samahan.
Panoorin ang buong interview kay Euleen at Kevin sa Kada Umaga https://www.youtube.com/live/Xl5V6aZdvbs?si=UZEZ3oV6gsSZT7ca

