Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Luis sa layong 130 km silangan-timog silangan ng Casiguran, Aurora na may taglay na hangin na 55 km at pagbugsong umaabot ng 70 km/h.

Dahil sa pananatili nito sa karagatan ng Aurora, nakataas sa Signal No. 1 ang Isabela, Quirino, ilang bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Camarines Norte.



