Hindi makadadalo si Senador Loren Legarda sa regular na session ng Senado at sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa pagpapalawig ng kaniyang medical leave hanggang ngayong Miyerkules, Agosto 12, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Ito ang ikalawang linggo ng kaniyang medical leave matapos siyang hindi dumalo mula Agosto 3 hanggang Agosto 5.
Kasabay ng kaniyang pagliban, nagsasagawa ang Office of the Ombudsman ng imbestigasyon sa mga reklamong plunder at graft laban sa kaniya at sa kaniyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.
📸: Sen. Loren Legarda

