Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang panahon ngayong Miyerkules, Agosto 12, sa Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Palawan, Marinduque, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro dulot ng habagat, ayon sa PAGASA.
Habang ang Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Samantala, ang tropical depression na binabantayan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay huling namataan sa layong 1,990 km silangan ng extreme Northern Luzon at patuloy na kumikilos palayo ng bansa.


