Iminumungkahi ng Philippine National Police (PNP) na itaas ang bayad sa National Police Clearance sa ₱200 mula sa dating P150.
Ayon sa PNP, ang panukalang dagdag-singil ay bunsod ng inflation, tumataas na operational costs, at pagsunod sa Documentary Stamp Tax (DST) requirement na itinakda ng batas.
Sinabi ng PNP na layunin ng panukalang pagtaas ng bayarin na matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa pagproseso ng police clearance.


