Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na nagpapatuloy ang pamahalaan sa pagsusulong ng hustisya at pananagutan kaugnay ng flood control scam.
Ayon sa Pangulo, halos ₱25 bilyong halaga ng pera at mga ari-arian mula sa mga sangkot sa maanomalyang mga proyekto ang nabawi na ng pamahalaan.



