MRT-7 SA 2027.
Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang SONA na target buksan sa susunod na taon ang unang 12 station ng MRT-7, na unang bibiyahe mula North Avenue hanggang Sacred Heart, Quezon City, at susundan ito hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa Pangulo, inaasahang makikinabang sa proyekto ang halos isang milyong pasahero kada araw, habang mas napapabilis na rin ang pagresolba sa mga isyu sa right-of-way sa ilalim ng Accelerated and Reformed Right of Way Act.



