Tuloy pa rin ang 3-day transport strike ng grupong MANIBELA kahit pa itinaas na sa P12.00 kada litro ang fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV).
Inalmahan ng grupo na hindi sapat ang dagdag na P2.00 fuel discount, lalo na sa patuloy na pagtaas ng gastos sa pagpapatakbo ng pampublikong transportasyon.
Iginiit din ng MANIBELA na mas makabubuti kung pagkakalooban sila ng fare increase upang madagdagan ang kanilang arawang kita.
📷: MANIBELA




