Naapektuhan ang 41,979 indibidwal o 12,432 pamilya dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Luis at Bagyong Maymay, na pinalakas pa ng habagat, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).
Nananatili sa 14 evacuation centers ang 5,818 katao o 1,821 pamilya na lumikas dahil sa sama ng panahon.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region (CAR).



