Arestado sa isang entrapment operation sa San Lazaro, Maynila ang isang 27-anyos na babae dahil sa umano'y panloloko sa mga ARMY o fans ng BTS.
Ayon sa pulisya, nahaharap sa kasong estafa ang suspek na si alyas "Shai" matapos umanong ibenta sa anim na magkakaibang buyer ang isang concert ticket na nagkakahalaga ng P14,200, kahit iisa lamang ang seat number nito.
Dahil dito, muling nagbabala ang pulisya sa publiko na bumili lamang ng concert tickets sa mga awtorisadong ticket seller upang makaiwas sa mga scam.


