Nabuwal ang isang malaking puno sa Brgy. Nangka, Marikina City dahil sa lakas ng Bagyong #MaymayPH ngayong Miyerkules, Agosto 5.
Nagdulot ito ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar.
Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad upang maalis ang nakaharang na puno at maibalik sa normal ang daloy ng mga sasakyan.
📷: Brgy. Nangka



