Nabalot ng kumpulan ng mga balang ang Kizlyar District sa Dagestan, Russia, na nagdulot ng aberya sa mga magsasaka at motorista.
Milyun-milyong balang ang lumusob sa mga kalsada at sakahan, dahilan upang halos mawalan ng visibility ang mga dumaraang sasakyan.
Ayon sa mga awtoridad, ang matinding init at tuyong panahon ang nagpalala sa pagdami ng mga balang.
Nag-deploy na ang regional agriculture officials ng ground crews at aircraft upang magsagawa ng chemical spraying at mapigilan ang pagkalat ng infestation, habang patuloy na sinusuri ang pinsala sa mga pananim at pastulan.
📹: RT News


